-- Advertisements --
image 415

Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Local Employment na mayroong mahigit 180,000 bakanteng trabaho sa bansa para sa high school graduates.

Karamihan aniya sa mga bakanteng trabaho na nakalathala sa PhilJobNet ay permanente pero mayroon ding kontraktwal na mga trabaho.

Ilan sa mga bakanteng trabaho na ito base sa datos noong Mayo 2023 ay production machine operators, call center agents, production workers, domestic helpers, production helpers, service crew, sales associate professionals, quality assurance inspectors, cashiers, at technical assistants.

Ayon sa DOLE-BLE, lumalabas sa isinagawang pag-aaral noong 2019 sa employability ng senior high school graduates sa bansa batay sa perspektibo ng mga employer, bukas ang mga kompaniya na mag-hire ng SHS graduates subalit limitado nga lamang sa blue-collar positions gaya clerical work, customer service representatives at iba pa.

Nakikitang dahilan dito ay ang kakulangan ng skills ng SHS graduates para magtrabaho kayat inirekomenda sa naturang pag-aaral ang pag-improve ng SHS curriculum para mahasa ang kakayahan ng mga SHS sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga asignaturang nakatutok sa kada strand o akma sa trabaho.