CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit 18,000 ang naitalang unregistered firarms sa buong region 2 kaya patuloy na nagsasagawa ng oplan katok ang pulisya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay PMajor Jaylord Sibbaluca, Chief Fire explosive Section ng Regional Civil Security Group 2, sinabi niya na batay sa kanilang talaan ay mayroon humigit kumulang 40,000 firearm holder dito sa lambak ng Cagayan at sa ngayon ay mayroon umaabot na humigit kumulang na 18,000 ang may expired firearms registration.
Ang Civil Security Group aniya ay nasa pangangasiwa ng firearms and Explosive Office o regulatory office pagdating sa mga rehistradong baril kaya naman mayroon silang talaan kung ilan ang mga rehistradong baril maging sa mga nagpaso na ang lisensiya.
Kada linggo aniya ang kanilang pagsasagawa ng enhanced managing police operations para ipresenta ang data na na conduct ng kapulisan sa local police station na nagsasagawa ng oplan katok.
Sa bagong revitalize oplan katok aniya ngayon ay mayroong 3 consecutive oplan katok na kailangan gawin ang kapulisan para paalalahanan ang mga expired Firearms holder ngunit kung hindi ito idedeposit o isusuko ang baril ay dito na magkakaroon ng memo na si silbihan ng search warrant ang firearm holder.