Inaasahan ng Department of Education na aabot ng hanggang 17.3million ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na papasok sa School Year 2023-2024.
Ito ay batay sa quick count ng Learner Information System hanggang kahapon, Agosto-22.
Pinakamarami sa mga nag-enrol ay mula sa Region 4A na umabot ng hanggang 2.9million. Sunod dito ang mga nanggaling sa National Capital Region na may kabuuang 2.2million habang umabot naman sa 1.9million ang naitala sa Region3.
Ang nasabing datus ay apat na araw bago ang pagpaso ng deadline ng enrollment, tatlong araw bago ang pasukan, o sa Agosto-26.
Inaasahan pa rin ng DepEd na lalong tataas ang bilang ng mga mag-aaral habang hinihintay ang posible pang hahabol na mga mag-aaral.
Samantala, sinabi rin ng DepEd na maaari pa ring mag-enroll ang mga mag-aaral sa kanilang Alternative Learning System na nakabase sa ibat ibang mga brhu, community learning center, at maging sa mga pinakamalapit na paaralan.
Batay naging anunsyo ng DepEd, nakatakda ang pagsisimula ng school year 2023-2024 sa Agosto-29 ng kasalukuyang taon.