-- Advertisements --

Mahigit 17,000 pamilya na ngayon ang benepisyaryo ng cash for work program ng gobyerno sa Oriental Mindoro kasunod ng epekto ng malawakang oil spill ayon kay Gov. Humerlito “Bonz” Dolor

Kabuuang 17,071 pamilya ang nag-undergo sa cash for work program na kung saan binabayaran sila ng minimum na sahod sa loob ng 45 araw.

Ang suweldo ay ibinibigay kada limang araw.

Idinagdag ng gobernador na ang mga residenteng apektado ng oil spill ay magkakaroon ng pagkakakitaan sa susunod na 2 buwan dahil sa mga programa ng gobyerno.

Ang unang 45 araw ay sa pangangalaga ng DSWD, pagkatapos nito ay magiging TUPAD ng DOLE sa susunod na 15 araw.

Sinabi rin ni Gov. Dolor na nakikipagtulungan sila sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa regular na pagsusuri ng mga sample ng tubig sa lugar, kaya’t maaari nang tanggalin ang pagbabawal sa pangingisda kapag ligtas na ang pagkonsumo nito sa kalapit na mga karagatan.

Una na rito, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay isasagawa ang naturang sampling kada tatlong araw.