-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 16,313 na karagdagang kaso ng COVID-19 para sa araw na ito.
Mayroon ding nairehistrong 9,659 na bagong gumaling at 236 na mga pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.9% (131,921) ang aktibong kaso, 91.3% (1,734,551) na ang gumaling, at 1.72% (32,728) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling report, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 24, 2021, habang mayroong limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng limang laboratoryo na ito ay humigit kumulang sa 4.3% sa lahat ng samples na nai-test at 3.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.