-- Advertisements --

Nasa mahigit 1,500 na mga sasakyan ang sinita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lumabag sa unang araw ng pagpapatupad ng dry run ng expanded number coding scheme sa Naitonal Capital Region (NCR).

Ayon kay MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija , na ngayon ay kanila munang pinagsasabihan ang mga drivers pero pagdating ng Huwebes ay titiketan na ang sila.

Ang nasabing pag-implementa ng number coding ay bilang paghahanda sa pagbabalik ng face to face classes.

Naniniwala ito na kapag tuluyang maimplementa ay mababawasan ang volume ng mga pribadong sasakyan na bumabagtas sa kalsada ng Metro Manila.