Inanunsyo ng Department of Transportation na maaaring makuha ng mga motoristang may papel na driver’s license ang kanilang mga physical card sa Agosto o Setyembre ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na may 130,000 nakabinbing driver’s license card ang inaasahang mailalabas sa Setyembre kung kailan inaasahang “normalize” na ang kakulangan.
Ang kakulangan ng mga plastic card ay nagresulta sa backlog sa pag-iisyu ng mga driver’s license na nag-udyok sa mga tanggapan ng LTO na pansamantalang mag-isyu ng mga lisensyang na nakaprint sa papel.
Maaaring ma-access ng mga motoristang walang aktwal na plastic driver’s license card ang electronic driver’s license (eDL) na inisyu ng LTO sa pamamagitan ng isang Portal.
Ang mga e-driver’s license ay maaaring gamitin bilang mga alternatibong identification card.
Kung matatandaan, una nang nag-anunsyo ang LTO na hindi bababa sa 5,000 driver’s license card ang ibibigay bago ang ikalawang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa susunod na linggo.