Ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa kabuuang P12,236 sa bawat 246 na mangingisdang apektado ng tumagas na langis na mayroong mga motorized boat mula sa Roxas sa Oriental Mindoro.
Kabilang ang mga recipients sa kabuuang 24,698 na mangingisda na buong bansa na naapektuhan ng oil spill sa naturang lalawigan simula ng lumubog ang motor tanker na MT Princess Empress noong Pebrero 28.
Ang naturang cash payouts ay ipinamahagi sa pamamagitan ng Mimaropa Field office sa ilalim ng Emergency Cash Trasfer Program ng naturang tanggapan.
Majority kasi ng mga apektado ng oil spill ay mula sa Mimaropa na nasa 153,173 katao.
Ayon pa sa DSWD, simula ngayong araw matatanggap na ng mga rehsitradong mangingisda na may motorized at non-motorized na mga bangka na apektado ng oil spill ang kanilang monetary aid.
Sa ilalim ng Emergency Cash Trasfer Program, ang mga mangingisda na mayroong motorized boats ay makakatanggap ng P12,236 na tulong pinansyal habang makakatanggap naman ng P6,118 ang mga mangingisadang mayroong non-motorized na bangka.