-- Advertisements --
viber image 2023 04 10 05 20 23 282

Inanunsyo ng Philippine Coast Guard na namonitor nito ang mahigit 125,000 pasahero sa lahat ng daungan sa buong bansa ngayong Easter Monday.

Ang mga naitalang pasahero ay ngayong huling araw ng holiday sa panahon ng Holy Week.

Nakapagtala ito ng 70,535 na outbound passengers at 55,152 inbound passengers mula alas-6:00 ng umaga.

Ayon sa PCG, karamihan sa mga ito ay dumating sa Batangas City port at Manila North Harbor port.

Kung matatandaan, mayroong 2,719 frontline personnel sa 15 PCG districts na nai-deploy para mag-inspeksyon sa 124 vessels at 70 motorbanca.

Kaugnay nito ay itinaas din sa heightened alert ang PCG na sasaklaw din sa summer vacation para pagsilbihan ang mga lokal na turista na bumibiyahe sa karagatan hanggang Mayo 31 ng kasalukuyang taon.