-- Advertisements --
Pumalo na sa 1,288 na sibilyan ang nasawi sa Kyiv region, Ukraine mula ng simulan ng Russia ang atake noong Pebrero.
Ayon kay Andriy Nyebytov ang namumuno sa Kyiv Region Police na karamihan sa mga dito ay mga pinagbabaril gamit ang automatic weapons.
Patuloy ang ginagawa nilang paghahanap sa mga lugar kung saan ibinaon ang mga sibilyan.
Noong Abril ay umabot na sa mahigit 1,000 ang naitalang nasawing sibilyan na nadamay sa kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.