Mahigit isandaang Pilipino sa Israel ang humiling pa ng tulong ng gobyerno na makabalik sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at mga militanteng Hamas.
Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac nitong na kasalukuyang pinoproseso ng DMW ang repatriation request ng 120 Filipinos.
Aniya, tinatawagan ang mga Pinoy ng dalawa hanggang tatlong beses upang masiguro na nais nilang makauwi na sa bansa.
Gayundin na dapat ang kanilang kontrata ay natapos na at nakatakdan ng umuwi.
Ayon kay Cacdac, nais nilang masiguro na maayos ang kanilang paghihiwalay o pag-alis sa kanilang mga employer.
Kaugnay niyan, 60 Pinoy na dating nakatira sa Israel ang naiuwi na sa Pilipinas.
Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DMW sa iba’t-ibang ahensya at sa ISrael upang tuluyang matulungan ang humiling ng repatriation.