-- Advertisements --

Nawalan ng tirahan ang nasa 12,000 ng mga katao matapos ang naganap na sunog sa Rohingya camp sa southeastern Bangladesh.

Karamihang mga naapektuhan ay mga Rohingya minority group na tumakas mula sa Myanmar dahil sa nagaganap na kaguluhan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog na naapula matapos ang mahigit 3 oras.

Nadamay sa sunog ang nasa 35 mosque at 21 mga silid aralan.

Pansamantalang tumira ang mga naapektuhang mga minority group sa ilang inilagay na shelters ng Bangladesh government.