Tinatayang nasa mahigit 12 mga barko ng Chinese Maritime Militias ang namataan sa Recto Bank sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ay sa kasagsagan ng isinasagawang resupply mission ng mga Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa mga Pilipinong mga mangingisda sa lugar.
Ayon sa ilang mga mangingisda, madalas na raw ang presensya ng naturang mga barko sa lugar ngunit hindi aniya nila ito nakikitang nangingisda.
Sa ulat naman ng BFAR, may may Isa ring barko ng China Coast Guard ang dumating sa naturang lokasyon na tinataya namang nagmula sa bahagi ng Ayungin shoal.
Anila, ang barko na ito na may numerong 4202 ay kilala na barko ng China na palaging bumubuntot sa mga barko ng Pilipinas sa tuwing mayroong ikinakasang resupply mission ang tropa para sa BRP Sierra Madre.
Ang Recto Bank ay isang lugar na pinaniniwalaang mayaman sa langis at natural gas na matatagpuan naman sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.