Iniulat ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw na pumalo na sa 11,279 kabahayan ang inisyal na bilang ng napinsala dahil sa nagdaang bagyong Agaton sa walong rehiyon sa bansa.
Ang mga lugar na ito ay mula sa Region 5(Bicol),region 6 (western visayas), region 7(central visayas),region 8(eastern visayas), region 10(Northern Mindanao),region 11(Davao region), region 12 (Soccssargen) at Caraga.
Nasa 10,519 dito ang bahagyang nasira habang nasa 760 naman ang totally damaged.
Bunsod nito, apektado ang nasa 600,062 pamilya mula sa mahigit 2000 barangay sa mga rehiyong nasalanta ng bagyong Agaton.
Dahil dito, nanunuluyan ngayon ang nasa 29,978 pamilya sa 450 evacuation centers habang ang iba naman ay sa kanilang kapamilya at kaibigan.