-- Advertisements --
NDRRMC

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umaabot na sa mahigit 104,100 katao ang apektado sa anim na rehiyon sa pananalasa ng nagdaang bagyong Betty.

Ayon sa ahensiya, ang isang nasawi ay mula sa Western Visayas habang ang isang indibidwal na nasugatan ay mula sa Cordillera region.

Nananatili namang nasa evacuation centers ang nasa 1,169 katao habang nanunuluyan pansamantala sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang nasa 429 indibidwal.

Iniulat din ng NDRRMC na nasa kabuuang 100 ang napinsalang kabahayan sa Region 1, 3,6 at Cordillera Administrative Region. Ang 11 dito ay completely damaged.

Nasa tinatayang Php 68,695.58 ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastraktura sa CAR.

Mayroong anim na magsasaka at mangingisda naman ang napaulat na apektado ng nagdaang bagyo na nagresulta sa mahigit P25,000 nawala at napinsala mula sa sektor ng agrikultura.

Samantala, nakapag pamahagi na ang pamahalaan ng kabuuang P11.02 million ang halaga ng family food backs, financial aid at iba pang relief goods ang naibigay sa mga residenteng apektado sa Region 1, 2, 3, Mimaropa, region 6 at CAR.