-- Advertisements --
image 205

Hindi na nakaligtas pa ang nasa mahigit 100 kataong pawang mga wedding guests matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa Nigeria.

Sa ulat, ang barko ay may lulan na humigit-kumulang 250 na mga pasahero na maghahatid sana pabalik sa Patigi sa northcentral Kwara State matapos dumalo sa isang kasalan nang bigla itong lumubog na nagmitsa naman ng pagkasawi ng 106 katao na sakay nito, habang nasa 144 naman ang nailigtas.

Ayon sa report ng mga opisyal, na-stranded ang mga bisita sa kasal matapos bahain ang mga kalsada dahil sa malakas na pag-ulan na dahilan naman kung bakit sila napilitang tumawid sa River Niger sakay ng nasabing bangka atsaka tumama sa isang puno na nagsanhi ng paglubog nit.

Samantala, sa ngayon ay inaalam pa ng mga kinauukulan kung ang poor visibility ba ang isa sa mga sanhi ng nasabing aksidente.