-- Advertisements --
Aabot sa mahigit 100 katao sa eastern Pakistan ang naaresto matapos na pinagsusunog ng ilang libong Muslims ang mga simbahan at sinira ang mga kabahayan.
Nagbunsod ang nasabing karahasan sa Jaramwala dahil umano sa pagsunog ng dalawang kristiyano ng ilang pahina mula sa Quran.
Bagamat hindi na naaresto ang dalawang lalaki ay nasamapahan na ang mga ito ng kaso.
Dahil sa pangyayari ay kinansela ang mga pagtitipon sa publiko sa loob ng isang linggo sa Faisalabad district sa Jaranwala.