-- Advertisements --
Nasa isang milyong residente ng Cuba ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos ang pananalasa ng Hurricane Ian.
Maraming gusali rin ang nasira habang isang katao ang nasawi dahil sa insidente.
Ang category three hurricane namayroong lakas na hangin na 195 kilometers per hour ay patungo na ng Florida at inaasahan na lumakas pa.
Ang nasabing bahagi ng Florida ay hindi pa nakakaranas ng ganung kalakas ng hurricane sa loob ng ilang siglo.
Nagbabala ang US National Hurricane Center (NHC) na maaaring umabot pa sa category four hurricane ang nasabing bagyo.
Pinayuhan na rin ng mga otoridad sa Floridad na sila ay agad na lumikas.