Iniulat ng Commission on Elections na umabot na sa mahigit isang milyong mga botante ang kanilan naitala para sa 2025 midterm elections.
Ito ang inihayag ng komisyon matapos na magparehistro ang nasa 1,027,572 na kabuuang bilang ng mga bagong rehistro na mga botante para sa gaganaping halalan sa susunod na taon.
Ang malaking bilang ng mga bagong botante na ito ay naitala ng poll body ay minarkahan ilang linggo matapos nitong opisyal na buksan ang voter registration bansa noong Pebrero 12, 2024.
Kung maaalala, kamakailan lang ay inilunsad din ng Comelec ang “register anywhere” project nito kung saan dinala na rin ng electoral body ang voter’s registration maging sa mga mall at iba pang establisyemento para magbigay ng suporta at convenience sa ating mga kababayan partikular na sa mga bagong botante ang pagpaparehistro sa naturang halalan.
Matatandaan din an una nang sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na plano nitong makamit ang tatlong milyong newly registered voters para sa 2025 midterm elections hanggang sa pagtatapos ng registration period hanggang sa Setyembre 30, 2024. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)