Mahigit isang milyon ang nanood sa free concert ng beteranang singer na si Madonna sa Brazil.
Ang concert nito sa Copacabana beach ay siyang pagtatapos ng kaniyang “Celebration” world tour.
Hindi inalintana ng nasa 1.6 milyon na mga fans ang init ng panahon sa sikat na beach sa Rio de Janeiro para mapanood ang idolo nila.
Marami ang doon na natulog sa may dagat habang ang mga mayayaman ay sa yate na nila pinanood ang live concert ng singer.
Binuhusan ng mga bumbero ng tubig ang lugar dahil sa mahigit 30 degrees Celsius ang init ng panahon.
Ginawa nila ito para hindi na maulit ang nangyari sa concert noon ni Taylor Swift kung saan isang fan nito ang nasawi dahil sa init ng panahon.
Kinanta ng 65-anyos na singer ang kaniyang mga sikat na kanta gaya ng “Vogue”, “Like A Prayer” at maraming iba pa sa mahigit dalawang oras na concert.
Mahigit 3,000 ng mga kapulisan ang ipinakalat sa lugar para magpatupad ng seguridad.