-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Pumalo na sa mahigit 1.1 milyong turista ang bumisita sa Isla ng Boracay sa unang walong buwan ng taon, ayon sa Malay Municipal Tourism Office.
Batay sa datos na inilabas ng MTO-Malay, may kabuuang 1,189,481 turista ang bumisita mula Enero hanggang Agosto, 2022 na isa umanong patunay na ang Boracay ay nananatiling isa sa mga pangunahing tourist destinations sa bansa.
Kasalukuyan pa ring nangunguna sa mga bisita ang mga domestic tourists na umabot sa 1,110,294.
Sa kabila nito, patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga dayuhang turista na nakapagtala ng 55,184 gayundin ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) at Overseas Filipinos na may 24,003.