-- Advertisements --
image 287

Inaasahang makakalikha ng 100,000 trabaho ang Maharlika Investment Fund ayon sa Department of Finance (DOF).

Gayundin makakalikha aniya ito ng 0.07 percentage point na paglago ng ekonomiya kada taon sa unang 10 taon ng operasyon ng kauna-unahang sovereign welath fund ng Pilipinas.

Malaking factors aniya na magpapadami ng trabaho sa bansa na magpapabilis din sa paglago ng ekonomiya ay ang fully operational na Maharlika Investment fund na may ideal economic backdrop para maengganyo ang mas marami pang investors.

Kapag nabayaran na aniya ng buo ang inisyal na kapital na P125 billion sa unang 10 taon ng operasyon, makakalikha ang MIF ng 0.07 percentage point na ambag sa paglago ng PH kada taon sa sunod na 10 taon.

Sa ibang scenario naman, bilang karagdagan sa co-investments na malilikha kasama ang ibang parties, ang P500 billion authorized capital stock ng korporasyon ay maaaring mabayaran sa loob ng unang taong implementasyon ng MIF kung saan base sa pagtaya ng NEDA makakalikha ito ng 0.22-percentage point contribution sa paglago ng ekonomiya ng PH kada taon.

Ang malilikha namang trabaho, direct at indirect ay tinatayang papalo sa 350,000 na inaasahang magaambag ng 0.05 percentage points kada taon sa paglago ng PH sa sunod na 11 hanggang 20 taon.