Nakapag-secure na ng nasa Php22.2-billion na budget ang Maharlika Investment Corp. mula sa pamahalaan para sa investment commitments nito ngayong taong 2024.
Ayon kay Department of Budget and Management Secretary Ammenah Pangandaman, ang naturang halaga ay mas mababa kumpara sa proposed P36.6-billion na corporate operating budget na una nang isinumite ng Maharlika Investment Corp. sa kanilang kagawaran para sa fiscal year 2024 na unang taon ng operasyon nito bilang isang State-run company na namamahala rin sa P125-billion na sovereign wealth fund ng Pilipinas.
Paliwanag ng kalihim, una muna kasing hiniling ng Maharlika Investment Corp. ang 60% ng P36.1-billion na dedicated fund nito para sa capital outlays mula sa total planned spending nito para sa taong 2024.
Samantala, sabi naman ni MIC President and CEO Rafael Consing Jr., ang budget na ito ay sumasalamin sa halaga ng mga investment commitments nito ngayong taon.
Aniya, target nilang masimulan ang deployment hinggil sa mga proyektong nakapaloob sa Maharlika Investment Fund pagsapit ng taong 2025, ngunit ngayong taon aniya titiyakin nila ang lahat ng commitment ukol dito