-- Advertisements --

Nanindigan si Presidential spokesperson Sec. Harry Roque na mas dapat paniwalaan ng publiko ang pananaw ng mga eksperto pagdating sa usapin ng COVID-19 at hindi ang mga komedyante.

Ito ang naging pahayag ng kalihim matapos mpunahin ng TV-host/comedian na si Vice Ganda sa pamamagitan ng kaniyang social media post ang naging pahayag ni Roque na hindi raw dapat maging pihikan ang sambayanan sa matatanggap na bakuna laban sa COVID-19.

Inihalintulad kasi ito ng komedyante sa pagpili ng sabong panlaba dahil kung doon pa lang ay may kakayanan ng pumili ang tao kung anong gagamitin, dapat din aniya ay maging “choosy” pagdating sa bakuna.

Ayon kay Roque, hindi dapat ikumpara ang bakuna sa sabong panlaba dahil magkaiba raw ito. Ang katunayan aniya ay wala pang madaming supply na sasapat sa populasyon ng buong mundo dahil tanging 18% na supply lamang ng COVID-19 vaccine ang available.

Sinabi pa nito na masusing pinag-aaralan ng mga eksperto at dumadaan sa proseso ng pagsusuri ang bakunang ipapamahagi.

Kung hindi raw kasi pagkakatiwalaan ang mga eksperto na tatlong batches of experts pa ang magsasabing puwedeng gamitin ang bakuna at magiging basehan para mag-isyu ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use auhtorization (EUA), ay wala nang pagkakatiwalaan ang publiko.

Pinag-iingat din ni Roque ang lahat sa kung sino ang pakikinggan. Hindi aniya dapat mahniwala doon sa mga lima-singkong mga eksperto dahil marami raw sakanila ay papansing lang at naghahanap ng simpatya mula sa tao.

Inaasahan na sa Pebrero dadating sa Pilipinas ang paunang doses ng COVID-19 vaccines.