-- Advertisements --

May mga adjustment na ipapatupad si Filipino boxer Mark Magnifico Magsayo sa pagharap niya kay Rey Vargas sa darating na Hulyo 10 sa San Antonio, Texas.

Sinabi nito na kahit na mahilig umatras ang Mexican boxer ay handa nitong sabayan.

Isa sa mga pinagbuti niya ay ang kaniyang footwork para makipagsabayan sa nasabing kalaban.

Si Magsayo ay mayroong 24 na panalo at wala pang talo na mayroong 16 na knockouts habang si Vargas ay mayroong 35 panalo, walang talo at 22 knockouts.