-- Advertisements --
Ikinagalak ng Filipino undefeated boxer na si Mark “Magnifico” Magsayo ang buhos ng suporta sa kaniya habang naghahanda sa panibagong laban.
Inaasahan kasing makakaharap nito ang 33-year old World Boxing Council featherweight champion Gary Russell Jr. ng USA.
Isa sa mga dumalaw kay Magsayo na nagpataas ng kaniyang morale ay si Floyd Mayweather Sr. na ama ng retired undefeated boxer na si Floyd Jr.
Pero ilang fans ang hindi natuwa sa pagsulpot ni Mayweather Sr. sa Wild Card Gym ni Freddie Roach, habang may iba naman na masaya lang sa nakukuhang suporta ng Tagbilaran City native mula sa mga kilalang personalidad sa larangan ng boxing.