-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang magsasaka matapos tagain sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Armando Naynes Sabornido, 48-anyos, residente ng Brgy. Lawigue, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nagkaroon ng mainit na diskusyon ang biktima at ang suspek na kinilalang si alyas Renato, 46-anyos, residente ng nasabing lugar.

Dahil dito, bumunot ng bolo si alyas Renato, at dito na nito tinaga si Sabornido.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman pa na agad ring dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal ngunit sa kasamaang palad binawian rin ito ng buhay habang ginagamot.

Sa ngunyan ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.