-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay na nang matagpuan ang isang magsasaka sa Kidapawan City.

Nakilala ang nasawi na si Rey Megriño, 40, may-asawa, nagtatrabaho sa bansuhan at residente ng Barangay Sto. Niño, Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng pulisya na natagpuan ang bangkay ng biktima sa dryer na ‘di kalayuan sa kanyang tahanan.

Sinasabing may tama ng bala sa noo si Megriño dahilan ng kanyang pagkasawi.

Narekober rin ng mga otoridad sa gilid ng katawan ng biktima ang isang .38 cal. revolver.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Makilala PNP na nagbaril umano sa sarili ang biktima matapos iwan daw ng asawa at dinala ang kanilang anak.