CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang magsasakang naaktuhang nagtutulak ng limang plastic pack ng hinihinalang dahon ng Marijuana sa Purok 3, barangay Abra,Santiago City.
Ang dinakip ay si Angelito Garcia Jr., 22 anyos at residente ng Purok 7 ng nasabing Barangay.
Isinagawa ang drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Presinto Dos sa pamumuno ni Police Major Jenefer Flores; City Drug Enforcement Unit, Regional Drug Enforcement Unit, Police Regional Office 2, Santiago City Police Office sa pangunguna ni Police Major Alexander Rodrigo at PDEA Region 2.
Inaresto si Garcia makaraang positibong makipag-transaksiyon sa isang pulis poseur buyer bitbit ang limang plastic pack na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana kapalit ang limang libong pisong buy bust money.
Dinala ang suspek sa Presinto Dos para sa Kaukulang disposisyon.
Nasa listed Recalibrated Priority Data may kaugnayan sa droga ang suspek na isa sa mga high target ng PDEA Region 2
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga kasapi ng Intelligence Branch ng SCPO, matagal nang minamanmanan ang galaw ni Garcia bilang isa sa mga itinuturong pinanggagalingan ng illegal na droga ng mga nahuhuli ng pulisya .
Mariing pinabulanan ng pinaghihinalaan na galing sa kanya ang mga marijuana ngunit aminado siyang madalas bumiyahe sa lalawigan ng Kalingan dahil taga roon ang kanyang mga biyenan.