-- Advertisements --
LAOAG CITY – Plano ni Ilocos Norte-Provincial Schools Division Superintendent Doctor Vilma Eda na magpatawag ng mga eksperto para tignan ang lugar na tinitirhan umano ng masasamang espiritu na sumanib sa halos 30 estudyante sa Marcos National High School sa bayan ng Marcos.
Ayon sa nasabing Department of Education (DepEd) official, posibleng may masasamang espiritu na hindi nakikita na naninirahan sa lugar kaya kailangan nila ang tulong ng mga eksperto.
Samantala, inamin ng isang magulang na si Mrs. Editha Verdadero na natatakot na ang kanyang mga apo na pumasok sa paaralan dahil nangangamba sila na maulit ang nangyari.
Tiniyak naman ni Marcos Mayor Antonio Mariano na tutulong sila sa paaralan para maresolba na ang kanilang problema.