-- Advertisements --
Tinambakan ng Magnolia ang Northport 112-74 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.
Mula sa umpisa ng laro ay umarangkada na ang Magnolia para mapigilan ang pagkuha ng Batang Pier ng kanila sanang ikatlong sunod na panalo.
Limang Hotshots players ang nagtala ng double digits sa pamumuno ni Tyler Bey na mayroong 25 points at walong rebounds habang mayroong 17 points si Mark Barroca, 16 points naman si Paul Lee at tig 11 points naman sina Jio Jalalon at Ian Sanggalang.
Sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero na ang kanilang panalo ay bilang paghahanda sa malaking laban sa araw ng Linggo kontra Barangay Ginebra.