-- Advertisements --

Pinataob ng Magnolia Chicken Timplados Hotshots ang NLEX Road Warrios 112-106 sa overtime game para makapasok sa semifinals ng 2022 PBA Philippine Cup.

Naging dikitan ang laban kung saan sa last quarter ay naitabla sa 97-all sa pamamagitan ng three points ni Paul Lee.

Pagpasok ng overtime ay hindi na hinayaan ng Magnolia na makalamang pa ang NLEX.

Bumida sa panalo ng Magnolia si Ian Sangalang na nagtala ng 24 points habang mayroong 21 points si Paul Lee at 16 points, pitong rebounds at anim na assists si Jio Jalalon.

Dahil sa panalo ay makakaharap ng Magnolia ang TNT Tropang Giga para sa sa kanilang best of seven semifinals.