-- Advertisements --
Nalusutan ng Magnolia Hotshots ang Blackwater 110-95 sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup na ginanap sa Antipolo.
Makasaysayan din ang laro kay Calvin Abueva matapos na mapasama na sa 5,000 points club.
Nagtala kasi si Abueva ng kabuuang 27 points at 13 rebounds, habang mayroong 22 points at 20 rebounds si Antonio Hester at 17 points naman ang naitala ni Russel Escoto.
Dahil sa panalo ay pasok na sa Top 4 at twice-to-beat advantage para sa playoffs ang Hotshots.
Nasayang naman ang naitalang 22 points ni Blackwater import Shawn Gover.