-- Advertisements --
Nalusutan ng Magnolia HotShots ang Barangay Ginebra 93-91 sa kanilang Manila Clasico match sa Araneta Coliseum.
Hinabol ng HotShots ang 26 points kung saan pinangunahan ng kanilang import na si Tyler Bey ang laro na nagtala ng 31 points at 10 rebounds habang mayroong 15 points si Jiovani Jalalon.
Kinuwestiyon ng GinKings ang panalo dahil sa hindi tinawagan ang shot attempt ni Scottie Thompson sa natitirang anim na segundo sa laro.
Sa unang dalawang quarter ay hawak ng Ginebra ang kalamangan hanggang sa pagpasok ng third quarter ay bahagya ng lumiit ang kalamangan.