-- Advertisements --

Natakasan ng Magnolia Hotshots Timplados ang Phoenix Super LPG 82-79 para maitala ang unang panalo sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo ang import ng Magnolia na si Tyler Bey na nagtala ng 23 points at 10 rebounds habang ang guard na si Paul Lee ay mayroong 11 points at 10 points naman kay Mark Barroca sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Naitabla pa ng Phoenix ang laro sa natitirang 8:48 ng last quarter hanggang umarangkada sina Calvin Abueva at Barroca at nakuha ang kalamangan.

May tsansa pa sana ang Fuelmasters na madala sa overtime ang laro subalit hindi naipasok ang three-points shot ni Jason Perkins sa huling segundo ng laro.

Susubukan ng Phoenix na maitabla ang serye sa game 2 nila sa araw ng Biyernes.