-- Advertisements --

Ginantihan ng Magnolia Hotshots Timplados ang TNT Tropang Giga 92-88.

Dahil sa panalo ay naitabla na sa 1-1 ng Magnolia ang best of seven semifinals ng PBA Philipine Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo si Mark Barroca na mayroong 22 points, limang rebounds at dalawang assists habang mayroong 20 points at 8 rebounds si Ian Sangalang.

Sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero na hindi nila agad na nahirapan silang tapatan ang ilang manlalaro ng TNT.

-- Advertisement --

Naniniwala ito na kaya sila nananalo ay dahil sa ipinakita nilang team work para maipanalo ang laro.