-- Advertisements --

Naging masaklap ang pagkatalo ng Magnolia Hotshots Timplados sa kamay ng TNT Tropang Giga 93-92.

Dahil sa panalo ay hawak na ng TNT ang 2-1 na kalamangan sa best-of-seven semifinals ng 2022 PBA Philippine Cup.

Isinalba ni Jayson Castro ang TNT ng hawak pa ng Magnolia ang 2-points na kalamangan sa natitirang 9.8 seconds.

Ginamit nito ng screen ni Kelly Williams para maipasok ang three points shot sa natitirang 2.4 seconds.

Nanguna si Poy Erram sa TNT na nagtala ng 22 points habang mayroong 16 points si Castro.

Nasayang naman ang nagawang 18 points ni Calvin Abueva at 17 points ni Ian Sangalang ng Magnolia.