-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Magnolia Hotshot sang Terrafirma Dyip 104-91 sa nagpapatuloy na 2023 PBA Commissioners Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Itinuturing na ito ay pagbawi ng Magnolia matapos na mabigo sila ng Rain or Shine nitong Sabado.

Nanguna sa panalo ng Hotshots ang kanilang import na si Tyler Bey na mayroong 25 points, 12 rebounds, pitong assists at dalawang steals habang mayroong 16 points ang naitala ni Paul Lee.

Tinanghal naman na player of the game si Ian Sangalang kasabay ng kaniyang ika-32 kaarawan kung saan mayroon itong 18-points at siyam na rebounds.

Mayroon ng walong panalo at isang talo ang Hotshots habang ang Terrafirma ay mayroong dalawang panalo at anim na talo.