BUTUAN CITY – Minimal damage lang ang iniwan ng magnitude 6 na lindol sa San Agustin, Surigao del Sur kahapon ng umaga.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Gerry Avila, hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO sa kalapit na bayan ng Marihatag, inihayag nitong naramdaman din nila ang napakalakas na lindol dahilan upang agad siyang nakipag-ugnayan sa kanyang counterpart sa kalapit-bayan ng San Agustin.
Dito nalaman na tanging pader lamang ng Santo Nino National High School ng San Agustin na “subject for demolition” na ang bumigay ngunit wala namang naitalang injury.
Sinuri rin nila ang mga lugar na nasa kabundukan ng kanilang bayan malapit sa sentro ng lindol, kung saan isang bahay lang sa Sitio Mabog sa Barangay San Isidro, ang nagtala ng maliit lamang na pinsala na umabot sa P5,000.
Sa ngayo’y patuloy ang pagtala ng mga aftershocks kung saan ang pinakamalakas ay umabot sa magnitude 3.3 sa bayan ng Santa Monica dakong alas-10:21 kagabi