DAVAO CITY – Nasa 5.6 magnitude na lindol ang yumanig sa iilang bahagi ng Manay, Davao Oriental kaninang madaling araw.
Sa inilabas na impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs), tumama ang nasabing lindol bandang alas-3:19 ng madaling araw kung saan natala ang sentro nito sa layong 51 kilometers silangan ng nasabing lugar.
May lalim itong 26 kilometro habang tectonic naman ang origin nito.
Intensity IV ang natala sa Manay, Tarragona, at Caraga, Davao Oriental; Intensity III naman ang natala sa Mati at Baganga, Davao Oriental habang Intensity II naman dito sa lungsod ng Davao.
Nasundan naman ang nasabing 5.6 magnitude na lindol ng aftershock pasado alas-4 kaninang madaling araw na umabot naman sa magnitude 3.1.
Walang inaasahang mga pinsala ang Phivolcs kasunod ng nangyaring pagyanig.