-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 5.6 magnitude na lindol sa Sultan kudarat province.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol 36 kilometro hilagang kanluran ng Lebak, Sultan Kudarat dakong 1;24 pm na may lalim na 36 kilometers.

Naramdaaman naman ang mahinang intensity 3 sa cotabato city habang bahagyang naramdaman naman ang intensity 2 sa general Santos city.

Nakapagtala din ng Intensity 1 sa Zamboanga City.

Nakapagtala naman ng Intensity IV sa T’boli, South Cotabato; Intensity III sa Santo Niño at Koronadal City sa South Cotabato at Kiamba sa Sarangani; Intensity II sa General Santos City at Cotabato City, at Malungon at Maasim sa Sarangani; at Intensity I sa Zamboanga City, Davao City, Cagayan de Oro City, at Kidapawan City.

Ayon sa phivolcs, ito ay isang tectonic earthquake na dulot ng paggalaw ng aktibong fault malapit sa lugar.

Pinag-iingat naman ang publiko na maging alerto dahil sa maaaring maramdaman na aftershocks.