-- Advertisements --

DAVAO CITY – Walang aasahan na pinsala ang nangyaring magnitude 5.4 na lindol na naramdaman sa ilang bahagi ng Davao region pasado alas-4:00 kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs), sentro ng pagyanig ang silangang bahagi ng Sarangani (Davao Occidental).

May lalim itong 39 kilometros at tectonic ang origin.

Inihayag rin ng Philvocs na patuloy na maramdaman ang aftershock matapos ang pagyanig.