Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Calaca, Batangas bandang alas 8:24am ngayong umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology
Ang naturang pagyanig ay naramdaman rin sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Batay sa datos ng ahensya, tectonic ang naging sanhi ng paggalaw ng lupa na may lalim na 14 kilometers.
Natukoy ang lokasyon nito sa layong 5km West ng Calaca, Batangas.
Naitala naman ang intensity:
Intensity V – Lemery, BATANGAS
Intensity IV – Ibajay, AKLAN; Cuenca, Bauan, Sta. Teresita, San Luis, BATANGAS; Tagaytay City, CAVITE; Muntinlupa City, METRO MANILA
Intensity III – Culasi, ANTIQUE; Laurel, Batangas City, BATANGAS; Tagaytay City, CAVITE; Dolores, QUEZON; Donsol, SORSOGON
Intensity II – Talisay, Rosario, BATANGAS; Magallanes, CAVITE; Boac, MARINDUQUE; Las Pinas, Pasay, METRO MANILA; Rosario, NORTHERN SAMAR; Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO; Mauban, Polillo, Gumaca, QUEZON; Taytay, Antipolo, RIZAL
Intensity I – Dinalupihan, BATAAN; Malvar, BATANGAS; Malolos City, Guiguinto, BULACAN; Ternate, CAVITE; Cebu City, CEBU; Candon, ILOCOS SUR; San Pablo, LAGUNA; Tubod, LANAO DEL NORTE; Malabon City, Pateros, San Juan City, Paranaque City, METRO MANILA; Abra De Ilog, Mamburao, OCCIDENTAL MINDORO; Bani, PANGASINAN; Lucban, Lucena City, Alabat, QUEZON; Tanay, RIZAL; Tupi, SOUTH COTABATO
Samantala, inaasahan pa rin ang mga aftershocks kasunod ng naturang pagyanig.
Narito ang bahagi ng naging pahayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Dr. Teresito C. Bacolcol