-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aasahan na magdudulot ng pinsala ang nangyaring Magnitude 5.0 na lindol pasado ala 1:44 ng madaling araw kung saan sentro nito ang silangan bahagi ng Kiblawan (Davao Del Sur).

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs) may lalim ang nasabing pagyanig na 18 kilometros at tectonic ang origin.

Samantalang sa reported Intensities nasa Intensity III ang Koronadal City; Bansalan at Magsaysay, Davao del Sur habang Intensity II naman ang Kidapawan City; General Santos City.

Habang sa instrumental Intensities nasa Intensity V ang Malungon, Sarangani; Intensity IV ang Koronadal City; Tupi, South Cotabato; Intensity III ang General Santos City; Alabel, Sarangani ug Intensity II – Kiamba, Sarangani.

Aasahan pa rin ang mga aftershocks.