Screenshot 2020 06 06 10 47 41
-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 06 10 47 41

ROXAS CITY – Patay ang magkapatid matapos nalunod sa ilog sa Sitio Balud Barangay Matagnop, Dao, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas Bea, 13-anyos at kapatid na si Maymay walong taong gulang ang edad.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Norma Alteza, lola ng mga biktima, sinabi nitong nagpaalam sa kanya ang mga apo na maliligo sa ilog kasama ang dalawa pang mga kapatid at pinsan.

Ikinagulat na lamang ng lola nang humahangos na dumating ang apat na mga apo at sinabing nalunod ang naturang mga biktima.

Agad naman humingi ng tulong ang lola sa mga opisyal ng barangay na siyang tumawag ng responde sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng naturang bayan.

-- Advertisement --

Nabatid na tumagal pa ng tatlong oras bago nakita at nakuha sa ilalim ng nasabing ilog ang katawan ng mga biktima.

Sa ngayon ay nasa punerarya na ang bangkay ng mga menor de edad at patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring insidente.