-- Advertisements --

Ipinaaaresto ng Senate blue ribbon committee ang dalawa pang opisyal ng Pharmally.

Partikular na pinaiisyuhan ng arrest warrant sina Mohit Dargani at Twinkle Dargani na kapwa mataas na opisyal ng nasabing kompaniya, na naging ka-deal ng gobyerno sa bilyong halaga ng medical supply para sa frontliners.

Nag-ugat ito sa hindi umano inililitaw na mga dokumento ng magkapatid na Dargani, kahit maysubpoena na ang Senate panel.

Bago ito, una na ring ikinulong sa Senado ang director ng Pharmally na si Linconn Ong.

Nagpasaklolo pa ito sa korte, ngunit hindi pa rin nareresolba ang kaniyang petisyon.