NAGA CITY – Nakakulong na ngayon ang dalawang magkapatid habang malaya pa ang isa nilang kapatid matapos hindi mahuli sa isinagawang search operation ng otoridad sa kanilang bahay sa Iriga City, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nahuling sina Alexander Borromeo Go alyas “Don” 32 at Ivann Borromeo Go, 19 habang at-large ang isa nilang kapatid na kinilala rin sa pangalang Alexander 29 na mga resident eng Barangay San Francisco ng nasabing lungsod.

Sa impormasyong ipinadala ng Camarines Sur Police Provincial Office sa Bombo Radyo Naga, narekober sa mga suspek ang pitong small transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, anim pang heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalias.

Sa ngayon nakakulong na ang dalawang naaresto at mahaharap sa kaukulang kaso habang pinaghahanap naman ng otoridad ang kanilang kapatid.