Naghain ngayon ng isang panukala ang Makabayan bloc sa kamara na naglalayong makabuo ng iisang scheme ng refund at rebooking para sa mga airline company sa bansa.
Binanggit sa House Bill 8556 ang kasalukuyang sitwasyon ng mga airline companies pagdating sa panuntunan nito sa mga flight na maaaring maapektuhan ng anumang kalamidad.
Ipinaliwanag sa naturang panukala, na hindi inaasahan ng mga regulator at awtoridad ang napakalaking epekto ng pandemya sa mga airline company at mga pasahero nito.
Ani ng panukala, ang kasalukuyang Air Passenger Bill of Rights at hindi inaasahan ang nagdaang pandemya at bilang mambabatas ay dapat na ma i-institutionalize ang mga hakbang para masolusyunan ito.
Nakapaloob rin sa panukalang ito na ang mga airline passenger ay papayagan na maibalik sa kanila ang kabuuhang ibinayad nito ng walang anumang kailangan pang bayaran na penalty sa airline company at maaaring humingi ng refund sa loob ng isang taon.
Maaari na ring payagan ang pag rebook sa mga ticket papunta sa ibang lugar at kinakailangan nalang ng singilin na lamang ang magiging dagdag na pamasahe.
Sakali ring maisabatas ito ay magkakaroon na rin ang mga pasahero ng kanilang pagpipilian na ilagay ang kanilang travel fund na maaaring magamit bilang payment sa susunod nito ng byahe at wala na dapat itong expiration