BOMBO DAGUPAN – Welcome sa hanay ng Confederaton of Transport Workers Union ang magkakasunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Jaime Aguilar, secretary general ng Confederaton of Transport Workers Union, bagamat maliit lang ang bawas presyo na ipatutupad sa susunod na Linggo ay malaking bagay na ito kung magpapatuloy na bumaba dahil bumabalik ng paunti unti ang kanilang kinikita.
Dahil dito ay nagbabalik pasada na ang mga drayber na huminto sa pagpasada.
Habang tuluyan ng huminto naman ang iba dahil ibinenta na ang kanilang unit dahil sa sunod sunod na presyo ng langis at ang ipinapatupad na phase out sa mga lumang jeep.
Umaasa ang transport sector na magpatuloy pa ang rollback dahil malaki pa ang kanilang hinahabol.
Giit ni Aguilar na malaki pa ang kanilang hinahabol dahil sa napakataas na itinaas na presyo ng langis.
Samantala, ang inaasahan nilang marinig kay pangulong Bong Bong Marcos sa kanyang state of the nation adress ay makapaglatag ng konkretong plano sa krisis sa langis.