-- Advertisements --
Nakiusap ang liderato ng Senado sa mga opisyal ng gobyerno at iba pang personalidad na iwasan nang gumatong sa isyu ng West Philippine Sea, upang huwag na itong mahaluan ng mga maling impormasyon na magpapalala sa sitwasyon.
Matatandaang maraming Chinese vessel ang namataan sa loob mismo ng ating exclusive economic zone, kaya naging madalas ang protesta ng DFA para sa Beijing.
Ayon kay Senate President Tito Sotto sa panayam ng Bombo Radyo, ang lumalabas na impormasyon sa publiko ay madalas na exaggerated na at nagmumukhang may giyera na karagatang sakop natin.
Apela ng pinuno ng Senado na magkaisa ang mga opisyal natin para maisaayos ang mga plano at improvement sa ating mga teritoryo.